# Isang Nawawalang Prinsesa

Mula sa mga Kuwento (Sipurei Maasiyot) ni Rabbi Nachman ng Breslov.

מקור: https://rabenu.app/books/isang-nawawalang-prinsesa/

---

## Isang Nawawalang Prinsesa

Ang Istorya ng

**Isang Nawawalang Prinsesa**

****

Isinalin ni : Chein Kinstein

Siya si (Rabbi Nachman) ang nagsalita at nagsabi: "Habang nasa daan, nagkuwento ako, na kung sino man ang nakarinig nito ay nag iisip ng pagsisisi. At ito ang kuwento...":

Minsan, may isang Hari. Siya ay may anim na anak na lalaki at isang anak na babae. Ngayon, ang anak na babae ay napakahalaga sa kanya at labis niya itong minamahal at masaya siya na makasama ito.

Minsan, habang kasama niya ang anak na dalaga, nainis siya sa kanya anak at lumabas sa bibig niya ang mga salitang, "Nawa'y may masamang mangyari sayo". Sa gabi pumunta siya sa kwarto ng kanyang anak para tingnan kung so ayos lang siya. Kinaumagahan, walang nakakaalam kung nasaan dalaga. Kaya, ang kanyang ama (ang Hari) ay labis na nabalisa at nagpunta kung saan-saan at hinanap ang kanyang nag iisang dalaga. Ang Bisehari(Second to the King) ay tumayo, dahil nakita niya kung gaano ka hirap at sakit sa Hari ang biglaang pagkawala ng nag iisang anak na babae.(Princess) Hiniling ng Bisehari na bigyan siya ng isang katulong, isang kabayo at pera para sa paghahanap niya sa dalagang Princesa. Hinanap niya ito nang husto, sa napakatagal na panahon, hanggang sa matagpuan niya ito.

(Ngayon si [Rabbi Nachman] ay nagsasabi kung paano hinanap ng Bisehari ang Princesa hanggang sa matagpuan ito.)

Siya ay naglakbay ng napakahabang panahon. Hinanap niya ang Princesa sa lahat ng dako. ; sa mga disyerto at sa mga parang at sa kagubatan. Isang araw, ang Bisehari ay nag lakbay sa disyerto, nang makakita siya ng isang daan sa gilid; pinag-isipan niyang mabuti at nagpasya, "Dahil matagal na akong nagpupunta sa disyerto at hindi ko siya matagpuan, tatahakin ko ang landas na ito. Baka makarating ako sa isang lugar na kung saan ay matagpuan ko ang Princesa. Tinahak niya ang daan na kanyang nakita sa mahabang panahon hanggang nakakita siya ng isang kastilyo at maraming hukbo ng mga sundalo na nakatayo sa paligid. Ang kastilyo ay napakaganda at ang mga sundalong nakapaligid sa lugar ay malalakas at matipuno.

Natakot siya sa hukbo ng mga sundalo, baka hindi siya papasukin. Pinag-isipan niya ito, sinabi sa sarili, susubukan niyang makapasok sa Kastilyo.". Kaya, iniwan niya ang kabayo at pumunta sa kastilyo. Pinayagan siyang pumasok; wala man lang silang ginawa para pigilan siya.

Naka pasok siya sa mga kwrto nang Kastilyo na walang ka hirap-hirap. Dumating siya sa isang bulwagan ng palasyo kung saan nakita niya ang hari na nakaupo doon na may korona at maraming hukbo ng mga sundalo na nakatayo sa paligid niya. Maraming mga musikero ang tumutugtog sa mga instrumento sa harap niya at napakaganda nang lugar. At kahit na ang Hari o ang sinuman sa kanila ay hindi nagtanong sa kanya ng anuman. At nakakita siya ng mga masasarap na pagkain doon. Kaya, siya ay tumayo at lumapit at kumain, at pagkatapos ay humiga sa isang isang sulok upang makita kung ano ang nangyayari doon.

Nakita niya na iniutos ng Hari na dalhin ang Reyna, kaya dinala nang mga tauhan ng Hari ang Reyna. Nagkaroon ng malaking pagtitipon at malaking pagsasaya. Masigasig na tumugtog at kumanta ang orkestra at mga mang-aawit para sa Reyna. Isang trono ang inilagay para sa Bisehari at siya ay naupo sa tabi ng Reyna. Nang sinulyapan niya ang Reyna laking gulat niya na ito ang nawawalang anak(Princesa) ng Hari na hinahanap niya sa matagal na panahon. Nakita siya ng isang Ministro ng Hari at nakilala siya.

Pagkatapos nito ay sumulyap ang Reyna(Princess) at napansin niyang may nakahiga sa isang sulok at nakilala niya ito. Kaya, tumayo ang Reyna mula sa kanyang trono at lumapit sa kanya. Hinipo niya ang Bisehari na matagal nang naghahanap sa kanya at tinanong, "Nakikilala mo ba ako?" Sinagot siya nito (Bisehari), "Oo, kinikilala kita. Ikaw ang Anak ng Hari (Princesa) na matagal ng nawawala".

Tinanong ng Bisehari ang Princesa(Reyna) kung paano sya napunta sa Kastilyo na yon. Sumagot ang Princesa ang kanyang ama(Hari). Ang dahilan kung bakit ako narito. Hinihiling ng aking Ama na may mangyaring masama sa akin, kaya't nandito ako ngayon sa kastilyong ito.

Kaya, sinabi ng Bisehari sa Princesa na ang kanyang ama(Hari) ay labis na nagdadalamhati at hinahanap siya nito sa loob ng maraming taon.

Tinanong niya ang Princesa "Paano kita ilalabas (mula rito)?" Sumagot ito, "Imposibleng ma ilabas mo ako dito, maliban kung pipili ka para sa iyong sarili ng isang lugar at manatili ka doon sa loob ng isang buong taon;

At sa buong taon na iyon ay dapat isipin mong nanabik kang ma ilabas ako dito. Kailangan mo lamang maghintay, magnais at umaasa na mailabas mo ako. At dapat kang mag-ayuno. At sa huling araw ng taon, huwag kang matulog sa dalawampu't apat na araw.

Sinunod ng Bisehari ang sinabi nang Princesa. Pumunta at ginawa niya ito sa katapusan ng taon, sa huling araw, siya ay nag-ayuno at hindi natulog at siya ay bumangon at pumunta doon sa Princesa (Anak na Babae ng Hari, upang mailabas siya). Napansin niya ang isang puno na doon ay tumutubo. Isang napakagandang puno ng mansanas. Ito ay lubhang kanais-nais sa kanyang mga mata at siya ay pumunta at kumain mula sa mga ito. Pagkakain niya ng mansanas ay bumagsak siya at nakatulog.

Nakatulog siya ng napakahabang oras. Sinubukan siyang gisingin ng kanyang alipin, ngunit hindi siya nagising.

Hanggang sa kinabukasan ay nagising ang Bisehari mula sa kanyang pagkakatulog. Tinanong niya ang alipin, "Nasaan ako?" Sinabi ng alipin sa kanya ang buong kuwento. "Nakatulog ka nang napakahabang panahon.Ilang taon ka nang natutulog. Ang pagkain ng prutas ang bumubuhay sa akin.

Labis siyang nataranta. At siya'y nagpunta sa Kastilyo kung saan ang nawawalang Princesa at nasumpungan siya nito na labis na nagdalamhati sa kanya, "Dahil sa isang araw, nawala ang lahat sa iyo (sa madaling salita, dahil hindi mo napigilan ang iyong sarili at kumain ka ng mansanas, kaya ay nawala ka). Kung napigilan mo lang sana ang iyong sarili at hindi mo kinain ang mansanas sa araw na iyon, ilalabas mo na sana ako.

Ngayon, totoo na ang hindi kumain ay isang napakahirap na bagay, lalo na sa huling araw - kung gayon ang masamang hilig ay napakalakas (iyon ang sinabi sa kanya ng Anak ng Hari. Ngayon ay gagawin niyang mas maluwag ang tuntunin at hindi na siya pagbabawalan na kumain ng prutas, dahil ito ay isang mahirap na bagay na sundin. Kaya, muli kang pumili ng isang lugar at manatili doon muli sa loob ng isang taon at sa huling araw ay papayagan ka nang kumain. Tanging, huwag kang matulog at huwag kang uminom ng anumang alak, upang hindi ka makatulog; sapagkat ang pinakamahalagang bagay ay huwag matulog". Pumunta ang Bisehari at ginawa ito.

Sa huling araw ng pagpunta niya doon, nakakita siya ng umaagos na bukal na ang anyo ng bukal ay namumula at ang amoy ay alak. Tinanong niya ang alipin, "Nakita mo ba? Ito ay isang bukal na dapat maglaman ng tubig, ngunit ang kulay nito ay pula at ang amoy ay alak!" Pagkatapos ay pumunta siya at tinikman ang bukal. Kaagad, siya ay bumagsak at natulog ng maraming taon; sa loob ng pitumpung taon. (Sa panahong ito) maraming hukbo ng mga sundalo ang dumaan na may mga bagong kagamitan (mga bagon na puno ng bagahe ) na sumusunod sa kanila. Nagtago ang alipin dahil sa mga grupo ng mga sundalo.

Pagkatapos noon ay dumating ang isang nakatakip na karwahe at doon, nakaupo ang Anak ng Hari.(Princesa) Huminto ito malapit sa Bisehari, bumaba at umupo sa tabi niya, nakilala ng Princesa ang Bisehari. Niyugyog niya ito ng malakas para magising, ngunit hindi siya gumising. Nagsimulang umiyak ang Princesa at nag salita sa kanya, na - "Napakaraming pagsusumikap at pagpapagod, sa loob ng maraming taon, naranasan mo akong ilabas, at dahil sa isang araw, nang maialis mo sana ako, nawala ka, lahat!" Napaiyak siya ng husto tungkol dito. Sinabi ng Princes asa Bisehari na, "Napakalaking awa sa iyo at sa akin na ako ay narito nang mahabang panahon at hindi ako makaalis".

Pagkatapos nito, tinanggal niya ang isang bandana sa kanyang ulo, sinulatan ito ng kanyang mga luha at inilapag ito sa tab ing Bisehari. At siya'y bumangon, naupo sa karwahe at naglakbay palayo.

Maya-maya, nagising ang Bisehari at tinanong ang alipin, "Nasaan ako sa mundo?" Kaya, kinuwento ng alipin sa kanya buong pangyayari at ang napakaraming hukbo ng mga sundalo ang dumaan at ang karwahe na sinakyan ng nawawalang Princesa. Isinalaysay din ng alipin na umiyak sa kanya ang Nawawalang Princesa at sumigaw, "

Sinabi ng Princesa na, "Napakalaking awa sa iyo at sa akin na matagal na akong narito at hindi ako makaalis".

Samantala, sumulyap siya at napansin niya na may bandana sa ulo na nakalatag malapit sa kanya at may nakasulat, "Saan ito nanggaling?"(tanong ng Bisehari sa alipin) Sumagot ang alipin, sa Nawawalang Princesa. "Iniwan niya ito at isinulat niya kasama ang kanyang mga luha". Kaya, kinuha niya ang bandana sa ulo ng Princesa at itinapat ito sa araw. Sinimulan niyang makita ang mga titik. Binasa niya ang lahat ng nakasulat doon; ang kanyang panaghoy at ang kanyang mga iyak na ngayon ay wala na ang Princesa sa kastilyong iyon, sa halip ay dapat niyang hanapin ang isang Gintong Bundok na may Perlas na Kastilyo, "Doon, mahahanap mo ako". Iniwan ng Bisehari ang alipin at umalis siya, upang hanapin ang nawawalang Princesa nang mag-isa. At hinahanap niya ng ilang taon ang Princesa. Pinag-isipan niya ito at napagtanto na sa isang maayos na lugar ay tiyak na wala siyang matatagpuan na Gintong Bundok na may Perlas na Kastilyo.

Dahil eksperto siya sa mapa ng mundo. "Pumunta ang Bisehari sa mga disyerto". Hinanap niya ang Princesa sa mga disyerto sa loob ng maraming taon.

Pagkatapos noon, napansin niya ang isang higante, na ang sukat ay hindi maituturing na tao at siya ay may dalang isang napakalaking puno. Sa isang husay na lugar ay hindi kailanman makikita ang gayong malaking puno. At tinanong siya ng higante, "Sino ka?" Sumagot siya, "Ako ay isang tao". Namangha ang higanteng at sinabi, "Matagal na ako ngayon, sa disyerto at wala pa akong nakitang tao dito!" Sinabi niya sa higante ang buong kuwento at naghahanap siya ng isang Gintong Bundok at isang Perlas na Kastilyo. Sumagot ang higante, "Tiyak na walang ganoong lugar dito. sinubukang sabihan ang Bisehari ng higante na isa lamang kalokohan ang paghahanap niya sa Gintong Bundok na may Perals na Kastilyo. Ang Bisehari ay nagsimulang umiyak at umiyak nang husto) hanggang sinabi niya sa sarili na sigurado akong makikita ko din ang hinahanap ko; tiyak na posible itong mahanap sa isang lugar!"

At siya ay hinikayat ng isang mabangis na tao(wildman) na isa lamang kasinungalingan ang kanyang pinagsasabi at pinaalis siya) at sinabi, "Naakit ka sa katarantaduhan".Pero ang Bisehari ay nagsabi. "Tiyak mahahanap ko din ang lugar na yon".

Sinabi ng mabangis na lalaki sa Bisehari, "Sa palagay ko ito ay katawa-tawa, ngunit dahil matigas ang ulo mo; tingnan mo, ako ang namamahala sa lahat ng mababangis na hayop, bibigyan kita ng pabor at tatawagin ang lahat ng mga hayop - sapagkat gumagala sila sa buong mundo - marahil isa sa kanila ang makakaalam tungkol sa Bundok at Kastilyo na ito".

Tinawag niya ang lahat ng mababangis na hayop, mula maliit hanggang malaki at tinanong sila. Sumagot silang lahat na hindi nila ito nakita. Sinabi niya sa kanya, "Nakikita mo, ang mga sinabi sayo ay isang kalokohan. Kung gusto mong makinig sa akin, bumalik ka, dahil tiyak na hindi mo ito mahahanap, dahil wala ito kahit saan sa mundo". At ang Bisehari ay matigas ang ulo na iginiit at sinabi, "Tiyak na mahahanap ko ito!"

Ang mabangis na tao (ang higante) ay nagsabi sa Punong Ministro "Tingnan mo, mayroon akong isang kapatid sa disyerto at siya ang namamahala sa lahat ng mga ibon; marahil ay malalaman nila, dahil lumilipad sila nang mataas sa hangin. Baka nakita na nila ang Bundok at ang Kastilyo. Pumunta ka sa kanya at sabihin mo sa kanya na pinadala kita sa kanya".

Naghanap siya ng maraming taon at muling natagpuan ang isang higanteng tao tulad ng dati na may dalang isang napakalaking puno at nagtanong sa kanya tulad ng una. Sumagot ang Bisehari, sinabi sa kanya ang buong kuwento at ipinadala siya ng kapatid na higante. At sinubukan rin ng pangalawang higante na pahinain ang loob ng Bisehari, na ito ay malinaw na pawang kasinalungan lamang. Subalit nakiusap ang Bisehari sa kanya na ito ay tiyak na tunay.

Sinabi ng pangalawang higante "Ako ang namamahala sa lahat ng mga ibon; Ipapatawag ko sila, baka alam nila". At tinawag niya ang lahat ng mga ibon at tinanong silang lahat, mula sa maliit hanggang sa malaki. Sumagot ang mga ibon sa pangalawang higante na hindi nila alam ang Bundok at Kastilyong iyon. Sinabi ng Bisehari. "Hindi mo ba nakikita? Tiyak na wala ito kahit saan sa mundo! Kung gusto mong makinig sa akin, bumalik ka, dahil maliwanag na walang ganoong bagay!" At ang Bisehari ay nagpilit at nag matigas na nagsasabing, "Tiyak na makikita ito sa isang lugar. Sinabi ng pangalawang higante sa Bisehari "Sa disyerto ay matatagpuan mo ang aking kapatid. Siya ang namamahala sa lahat ng hangin at tumatakbo ang mga ito sa buong mundo. Marahil alam nila".

Naghanap siya ng maraming taon at muli ay natagpuan niya ang isang higante, tulad ng dati, na may dalang malaking puno at nagtanong din ito kanya. Sumagot ang Bisehari sa higante, kinwento nia sa kanya ang buong pangyayari. Sinubukan ding pahinain ng higante ang loob ng Bisehari kagaya ng naunang mga higante, pero nakiusap din ang Bisehari. Ang ikatlong higanteng ito ay nagsabi sa Bisehari na gagawa siya ng isang pabor para sa kanyang kapakanan. Tatawagin niya ang lahat ng hangin na dumating at tatanungin sila. Kaya, tinawag niya ang lahat ng hangin. Tinanong niya ang lahat. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam ng Bundok at Kastilyo. Sinabi niya sa Bisehari, "Hindi mo ba nakikita na ikaw ay sinabihan ng isang kalokohan!" Ang Bisehari ay nagsimulang umiyak ng mapait at nagsabi, "Alam kong tiyak na ito ay tunay at makikita koi to.

Pansamantala, nakita niyang may dumating na ibang hangin. Galit na nagtanong ang higanteng lalaki sa hangin."Bakit ka huling dumating? Hindi ba nag-utos ako na lahat ng hangin ay dumating?! Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Sumagot ito sa kanya, "Naantala ako dahil kinailangan kong buhatin ang isang Princesa sa isang Gintong Bundok at isang Perlas na Kastilyo (masayang-masaya ang Bisehari na ngayon ay karapat-dapat niyang marinig ang kanyang ninanais).

Ang hinirang sa ibabaw ng hangin ay nagtanong sa hangin, "Ano ang mahalaga doon? (Anong mga bagay ang itinuturing na mahalaga doon?)" Sinabi nito sa kanya, "Ayan, lahat ay mahalaga!"

Ang higanteng tao at ang hangin ay hinarap ang Bisehari at nagsasabing, "Dahil matagal mo na siyang hinahanap at napakaraming pagsisikap ang ginugol mo - baka magkaroon ka na ngayon ng pag-urong sa pera, binibigyan kita ng sisidlan upang sa tuwing maglalagay ang iyong kamay sa loob nito, maaari kang kumuha ng pera mula doon." At inutusan niya ang hangin na dalhin ang Bisehari Gintong Bundok.

Dumating ang bagyo at dinala siya roon, dinala siya mismo sa tarangkahan. Ang mga hukbo ng mga sundalo ay nakatayo roon, na hindi papayagang pumasok siya sa lungsod. Kaya, ipinasok niya ang kanyang kamay sa sisidlan, kumuha ng pera, sinuhulan sila at pumasok. Ang lungsod ay maganda at siya ay pumunta sa isang mayamang tao at umupa ng isang silid na may mga pagkain mula sa kanya, dahil kailangan niyang manatili doon ng ilang oras, upang mag-isip ng malalim na may karunungan, katalinuhan, kung paano niya mailabas ang Princesa. Hindi sinabi (ng Rebbi) kung paano niya nailabas ang Princesa. Sa huli ay nairaos ng Bisehari na mailabas ang Princesa.

Kaya nawa’y magpakailanman.

Translated with Hashem’s Mercy in Tagum City Philippines 13th day of the counting of the Omer Chaf ches Nisan 5783
