# Tikkun HaKlali – Ang Sampung Salmo (Salin sa Tagalog)

Ang sampung salmo ng Tikkun HaKlali ni Rabbi Nachman ng Breslov (16, 32, 41, 42, 59, 77, 90, 105, 137, 150), isinalin sa Tagalog.

מקור: https://rabenu.app/books/tikkun-haklali-ang-sampung-salmo-salin-sa-tagalog/

---

## Salmo 16

MGA SALMO

**Tehillim 16**

1. Panalangin ng Pagtitiwala sa Diyos Miktam ni David. Ingatan mo sana ako, O Diyos, sa iyo ako nanganganlong at nagtitiwalang lubos.

2. Ang sabi ko sa Panginoon, “Ikaw ang Panginoon ko, kabutihang tinatamasa ko, lahat ay mula sa iyo.”

3. Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal! Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan.

4. Ang mga bumabaling sa ibang diyos, sulirani'y sunud-sunod, sa mga paghahandog nila'y hindi ako sasama;at sa kanilang mga diyos, ako'y hindi sasamba, hindi rin maglilingkod, ni pupuri sa kanila.

5. Ikaw lamang, Panginoon, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay.

6. Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga, napakaganda ng iyong pamana!

7. Pinupuri ko ang Diyos na sa aki'y pumapatnubay, at sa gabi, sa budhi ko siya ang gumagabay.

8. Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya.

9. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag.

10. Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas.

11. Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

MGA SALMO

## Salmo 32

**Tehillm 32**

1. Paghahayag ng Kasalanan at Kapatawaran Katha ni David; Mapalad ang taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang.

2. Mapalad ang taong hindi pinaparatangan, sa harap ng Diyos, hindi siya nanlinlang.

3. Nang hindi ko pa naihahayag ang aking mga sala, ako'y nanghina sa maghapong pagluha.

4. Sa araw at gabi, ako'y iyong pinarusahan, wala nang natirang lakas sa katawan, parang hamog na natuyo sa init ng tag-araw. (Selah)(b)

5. Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim.Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Selah)[c]

6. Kaya ang tapat sa iyo ay dapat manalangin, sa oras ng kagipitan, ikaw ang tawagin, at sa bugso ng baha'y di sila aabutin.

7. Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan.Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)[d]

8. Ang sabi ng Diyos, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan.

9. Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa, na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.”

10. Labis na magdurusa ang taong masama, ngunit ang tapat na pag-ibig ng Diyos ang mag-iingat sa sinumang nagtitiwala sa kanya.

11. Lahat ng tapat sa Diyos, magalak na lubos, dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos; sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod.

## Salmo 41

**KABANATA 41**

1. Ibinigay ni david ang kantang ito sa konduktor

2. Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, ang Diyos ang kakalinga kung siya nama'y masasadlak, at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad.

3. Babantayan sya ng Panginoon sa mundong ito at bibigyan sya ng buhay.Pupurihin siya ng lahat at hindi siya makokontrol ng kanyang mga kaaway.

4. Sa kasagsagan ng kanyang karamdaman ay aalalayan siya ng Panginoon sa kanyang higaan.

5. Tulad noong ako ay may sakit at nakaratay sa aking higaan, sabi ko “Panginoon paboran mo ako. Kalimutan mo ang aking katawan, ngunit pagalingin mo ang aking kaluluwa sa mga kasalanan ko sa iyo.

6. Hinihiling ng aking mga kaaway ang pinakamasama sa akin, na nagsasabi, "Kailan siya mamamatay upang makalimutan natin ang kanyang pangalan.

7. Kapag dumadalaw sila sa akin, nagkukunwari silang nangungumusta,
 pero nag-iipon lang pala sila ng masasabi laban sa akin.
 Kapag silaʼy lumabas na, ikinakalat nila ito.

8. Tahimik nilang nilalapastangan ang aking pagkatao.

9. Sinasabi nila,
 “Malala na ang karamdaman niyan,
 kaya hindi na iyan makakatayo!”

10. Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina, karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos silang naging taksil na kalaban.

11. Ngunit kayo Panginoon, akoʼy inyong kahabagan.
 Pagalingin nʼyo ako upang makaganti na ako sa aking mga kaaway.

12. Alam ko na kayoʼy nalulugod sa akin,
 dahil hindi ako natatalo ng aking mga kaaway.

13. At dahil taos-puso akong nag mamalasakit sa pangangailangan ng mga mahihirap. Sinuportahan mo rin ako at hinayaang mabuhay.

14. Dahil akoy tinulungan mo hanggang ngayon, Ikay aking pinagpala.Purihin ang Panginoon! ang Diyos ng Israel! Purihin siya, ngayon at magpakailanman! Amen! Amen!

## Salmo 42

**KABANATA 42**

Panaghoy ng Isang Dinalang-bihag Isang Maskil ng angkan ni Korah, upang awitin ng Punong Mang-aawit.

 Kung paanong batis ang siyang hanap ng isang usa, gayon hinahanap ang Diyos ng uhaw kong kaluluwa.

3. Nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buháy, walang iba; kailan kaya maaaring sa presensya mo'y sumamba?

4. Araw-gabi'y tumataghoy, gabi't araw tumatangis; naging tanging pagkain ko'y mga luha sa paghibik.Itong mga kaaway ko, sa tuwina'y yaong sambit, “Nasaan ba ang iyong Diyos? Hindi namin namamasid.”

5. Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalala ang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama, papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna; pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya!

6. Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam?Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan.

7. Siya ay gugunitain ng puso kong tigib-hirap, habang ako'y nasa Jordan, sa Hermon, at sa Mizar di ko siya malilimot, gugunitain oras-oras.

8. Ang dagat na kalaliman pakinggan at umuugong, at doon ay maririnig, lagaslas ng mga talon; ang katulad: nagagalit, malalaking mga alon, na sa aking kaluluwa ay ganap na tumatabon.

9. Nawa ang pag-ibig ng Diyos ay mahayag araw-araw, gabi-gabi siya nawa'y purihin ko at awitan; dadalangin ako sa Diyos, na sa aki'y bumubuhay.

10. Sa Diyos na sanggalang ko ganito ang aking wika, “Bakit ako ay nilimot, nilimot mo akong kusa? Bakit ako nagdurusa sa kamay ng masasama?”

11. Kalooban ko'y nanghihina sa pagkutya ng kalaban, habang sila'y nagtatanong, “Ang Diyos mo ba ay nasaan?”

12. Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako'y may tiwala, siyang aking aasahan; magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay, ang aking Tagapagligtas, ang Diyos na walang hanggan.

## Salmo 59

**KABANATA 59**

Panalangin Upang Ingatan ng Diyos Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa tono ng “Huwag Mong Sirain. Isang Miktam, nang pamanmanan ni Saul ang kanyang bahay upang siya'y mapatay.

2. Sa aking kaaway, iligtas mo ako, O aking Diyos, ingatan mo ako kapag sila'y lumusob.

3. Sa masamang tao, ako ay iligtas, at sa pumapatay agawin mo ako at iyong ingatan.

4. Sila'y nag-aabang, pagmasdan mo yaong taong mababagsik; nagtipo't ang layon ako ay iligpit.Ang dahilan nito, di dahil sa ako'y may pagkakamali.

5. O may pagkukulang na ako ang sanhi, O Diyos, masdan sila at nagdudumali.

6. Tulungan mo ako Panginoon, Makapangyarihang Diyos.Ikaw ang magmasid, O Diyos ng Israel! Ikaw ay gumising,at ang mga bansa'y iyong parusahan;yaong mga taksil, huwag mong kahabagan. (Selah)[b

7. Pagdating ng gabi, sila'y nagbabalik sa loob ng lunsod; asong kumakahol ang nakakatulad habang naglilibot.

8. Dinggin ang salita't parang mga tabak ang dila ng bibig! Ngunit nagtatanong.“Sa amin ay sino ang makikinig?”

9. Ngunit ikaw, Panginoon, tinatawanan mo't iyong kinukutya; gayon ang gawa mo sa may salang bansa.

10. Ang lakas ni Saul ay labis para sa akin. Akoy nag hihintay sa iyong proteksyon.

11. Ikaw, Panginoon, ang aking Diyos, aking kalakasan; ikaw ang muog ko at aking kanlungan. Ako'y minamahal, mahal ako ng Diyos, ako'y lalapitan upang ipamalas ang kanyang paglupig sa mga kaaway.

12. Huwag mong papatayin, nang di malimutan ng iyong mga lingkod.Sa taglay mong lakas pangalatin sila at iyong isabog; ikaw ang sanggalang, Panginoon, aming Diyos.

13 Sa kanilang labi'y pawang kasamaan ang namumutawi;sa pagmamataas, ang aking dalangin, sila ay mahuli,pagkat sinungaling at sa pangungutya, sila'y nawiwili.

14. Wasakin mong lubos, dahil sa iyong galit, ganap mong wasakin, dito malalamanng lahat, na ika'y hari ng Israel,at sa sansinukob ikaw ang hari din. (Selah)[c]

15. Pagdating ng gabi, sila'y nagbabalik sa loob ng lungsod, asong kumakahol ang nakakatulad habang naglilibot.

16. Animo'y lagalag, lakad lang nang lakad, pagkain ang hanap; hindi masiyahan, kapag ang nakuha nila'y hindi sapat.

17. Ngunit aawit ako,pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas,sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas;pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito,at aking kanlungan kapag lugmok ako.

18. Pupurihin kita,tagapagtanggol ko at aking kanlungan,Diyos kong mapagmahal.

## Salmo 77

**KABANATA 77**

Kaaliwan sa Panahon ng Bagabag Awit na katha ni Asaf upang awitin ng Mang-aawit na si Jeduthun.

 Sa Diyos ako ay tumawag, at dumaing nang malakas, ganoon ang aking daing upang ako'y dinggin agad.

3. Hinanap ko'y Panginoon sa panahong may bagabag, hindi ako napagod, dumalangin na magdamag, ngunit di ko nasumpungan ang aliw kong hinahangad.

4. Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing, ako'y nagdidili-dili ngunit ako'y bigo pa rin. (Selah)[a]

5. Hindi ako patulugin, waring ito ay parusa, hindi ako makaimik, pagkat ako ay balisa.

6. Nagbalik sa gunita ko ang nagdaang mga araw, nanariwa sa isip ko ang panahong nakaraan;

7. Ako'y nagbubulay-bulay sa silid ko gabi-gabi, ang diwa ko ay gising at tinatanong ang sarili:

8.“Ako baga, Panginoo'y lubusan mong itatakwil? Di mo na ba ibabalik sa akin ang iyong pagtingin?

9. Ang iyo bang pagmamahal sa amin ay nagwakas na? Hindi na ba maaaring sa pangako mo'y umasa?

10. Yaong kagandahang-loob mo ba ay nakalimutan mo na?Dahilan sa iyong galit, ang awa mo'y wala na ba?” (Selah)[b]

11. Ganito ang aking sabi: “Ang sakit ng aking loob, para bagang mahina na't walang lakas ang aking Diyos.”

12. Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga.

13. Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.

14. Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal,at wala nang ibang Diyos na sa iyo'y ipapantay.

15. Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga, iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha. Ipinakita mo sa mga bansa ang iyong lakas sa Ehipto.

16. Dahilan sa iyong lakas, mga hirang mo'y natubos, ang lahat ng mga angkan ni Joseph at ni Jacob. (Selah)[c]

17. Noong ikaw ay makita ng tubig ng Pulang Dagat (Red Sea), sila ay natakot, pati yaong kalaliman ay nanginig.

18. Ang mga ulap ay nagbuhos ng ulan sa mga Ehipsiyo, ang kalangitan ay kumulog upang sila ay lituhin, at maging ang mga kidlat ay palasak, na katulad ay palasong sumisibat sa palibot.

19. Dagundong na gumugulong ang ingay na idinulot ng kulog, ang guhit ng mga kidlat ay tanglaw sa sansinukob; pati mundo ay nayanig na para bang natatakot.

20. Ang landas mong dinaraana'y malawak na karagatan, ang daan mong tinatahak ay dagat na kalawakan; ngunit walang makakita ng bakas mong iniiwan.

21. Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan, si Moises at si Aaron yaong iyong naging kamay!

## Salmo 90

**KABANATA 90**

1. Ang Panalangin ni Moises, ang propeta ng Diyos. Panginoon naming Diyos, ikaw ang aming tahanan, buhat pa nang simulang lumitaw ang aming angkan.

2. Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang, hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan, ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika'y walang hanggan. You have all the power.

3. Itinulak mo kami sa pagdurusa, hanggang sa kami ay madurog at hinimok mo kami, Bumalik kayo sa akin.

4. Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw, sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang; isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.

5. Mga tao'y pumapanaw na para mong winawalis, parang damo sa umagang tumubo sa panaginip.

6. Parang damong tumutubo, may taglay na bulaklak, kung gumabi'y nalalanta't bulaklak ay nalalagas.

7. Sa tindi ng iyong galit, para kaming nauupos, sa simbuyo ng galit mo'y lubos kaming natatakot.

8. Aming mga kasalanan, sa harap mo'y nahahayag, mga sala naming lihim ay kita mo sa liwanag.

9. Sa kamay mo'y nagwawakas itong hiram naming buhay, parang bulong lamang ito na basta lang dumaraan.

*10. Buhay nami'y umaabot ng pitumpung taóng singkad, minsan nama'y walumpu, kung kami'y malakas;ngunit buong buhay namin ay puno ng dusa't hirap, pumapanaw pagkatapos, dito sa sangmaliwanag.*

*11. Ang tindi ng iyong galit sino kaya ang tatarok? Sino kaya ang susukat niyong ibubungang takot?*

*12. Dahil itong buhay nami'y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.*

*13. Hanggang kailan pa ba, Panginoon, ang ganitong kalagayan? Parang awa mo na, mga lingkod mo'y iyong tulungan!*

*14. Kung umaga'y ipadama iyong wagas na pag-ibig, at sa buong buhay nami'y may galak ang aming awit.*

*15. At ang aming kahirapan palitan mo ng ginhawa, singhaba rin ng panahon ang ipalit na ligaya.*

*16. Ipakita sa lingkod mo ang dakila mong gawain, at sa sunod naming lahi, ipadama ay gayon din.*

*17. Panginoon naming Diyos, kami sana'y pagpalain, magtagumpay nawa kami sa anumang aming gawin! Magtagumpay nawa kami!*

## Salmo 105

**KABANATA 105**

 Purihin ang Panginoon! Siyay ating pasalamatan. Tawagin ang kanyang pangalan at ipaalam sa lahat ang mga dakilang bagay na kanyang nagawa.

2. Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan, ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay.

3. Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya, ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila, lahat ng may nais maglingkod sa Panginoon, dapat na magsaya.

4. Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan, siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.

5. Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa, ang kanyang paghatol, gayon din ang kanyang ginawang himala sa Ehipto at ang mga batas na narinig namin mula sa kanyang bibig sa bundok ng Sinai.

6. Alalahanin na ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham, gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.

7. Ang Diyos na Poong Maykapal ang Panginoon, siya ang ating Diyos, sa kanyang paghatol ang nasasaklaw, buong sansinukob.

8. Ang tipang pangako'y laging nasa isip niya kailanman, ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.

9. Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham, at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal;

10. Sa harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay, para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan.

11. Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha, bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.”

12. Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami, kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili.

*13. Tulad nila noon ay taong lagalag na palipat-lipat, kung saang lupalop, mga kaharian sila napasadlak.*

*14. Sinuman ay hindi niya tinulutang sila'y alipinin, ang haring magtangka na gumawa nito ay pananagutin.*

*15. Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang, ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan.*

*16. Sa lupain nila'y mayroong taggutom na ipinarating itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain.*

*17. Subalit ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki, tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose;*

*18. Mga paa nito'y nagdanas ng hirap nang maikadena, pinapagkuwintas ng kolyar na bakal pati leeg niya.*

*19. Hanggang sa dumating ang isang sandali na siya'y subukin ng Panginoon, na siyang nangakong siya'y tutubusin*

*20. Ang ginamit ng Diyos ay isang hari upang lumaya, pinalaya siya nitong haring ito na namamahala.*

*21. Doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala, sa buong lupain, si Jose'y ginawa niyang katiwala.*

*22. Siya'ng sinusunod ng mga prinsipe doon sa palasyo, siya ang pag-asa ng mga matandang ang gawa'y magpayo.*

*23. Sa bansang Egipto, itong si Jakob ay doon nagpunta, sa lupain ni Ham, ang nunong si Jacob ay doon tumira.*

*24. Ginawa ng Diyos ay kusang pinarami ang kanyang hinirang, pinalakas ito, higit pa sa lakas ng mga kaaway.*

*25. Siya ang naging dahilan upang ang puso ng mga Ehipsiyo ay bumaling sa kanyang sariling bayan at gumawa ng mga plano laban sa kanila.*

*26. Saka inutusan itong si Moises, sinugo ng Diyos, sinugo rin niya pati si Aaron, ang piniling lingkod.*

*27. Sa bansang Egipto'y maraming himalang ginampanan sila, sa utos ng Diyos, maraming himalang doon ay nakita.*

28. Ang isang ginawa niya'y pinadilim sa buong lupain, ang mga palatandaan na kanyang ipinadala ay hindi nabigo.

29. Ang ilog at batis ay kanyang ginawang dugong dumadaloy, pawang nangamatay ang lahat ng isdang doo'y lumalangoy.

30. Napuno ng mga palakang kay rami ang buong lupain, maging mga silid ng mahal na hari ay may palaka rin.

31 Sa utos ng Diyos ay maraming niknik ang biglang sumipot, sa lahat ng dako kay rami ng langaw, gayon din ng lamok.

32. Sa halip na tubig, ay maraming yelo ang nagsilbing ulan, ang kulog at kidlat ay sala-salabat nilang nasaksihan.

33 Ang mga ubasan, mga punongkahoy katulad ng igos, ay kanyang nilagas, mga bunga nito'y hindi na nahinog.

34. Isang utos lamang at biglang dumating ang maraming balang, langit ay nagdilim sa dinami-rami ay hindi mabilang.

35. Lahat ng gulayin at mga halaman sa buong lupain, sinira ng balang, mga bunga nito'y kanilang kinain.

36. Ang mga panganay sa buong Egipto ay kanyang pinatay, kaya sa Egipto, noon ay naubos ang mga panganay.

37. Pagkatapos nito, ang bayang Israel kanyang inilabas, malulusog sila't lumabas na dala'y mga ginto't pilak.

38. Pawang nangatuwa ang mga Egipcio nang sila'y umalis, pagkat natakot na sa mga pahirap nilang tinitiis.

39. Ang naging patnubay nila sa paglakad, kung araw ay ulap, at kung gabi naman ay haliging apoy na nagliliwanag.

40. Nang sila'y humingi niyong makakain, pugo ang nakita, at buhat sa langit, sila ay binusog ng maraming manna.

41. Sa bitak ng bato, bumukal ang tubig nang sila'y mauhaw, pinadaloy niyang katulad ay ilog sa gitna ng tuyong disyerto.

42. Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan, ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham.

43. Kaya't ang bayan niya'y kanyang inilabas na lugod na lugod, nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog.

44. Ang mga hinirang ay binigyan niya ng lupang malawak, sila ang nag-ani sa lupaing iyong iba ang naghirap.

45. Ginawa niya ito upang ang tuntuni'y kanilang mahalin, yaong kautusan, ang utos ng Panginoon ay kanilang sundin. Purihin ang Diyos!

## Salmo 137

**KABANATA 137**

1. Panaghoy ng mga Israelitang dinalang-bihag sa pampang ng mga ilog nitong bansang Babilonia, kami'y nakaupong tumatangis, sa tuwing Zion, aming naaalala.

2. Sa sanga ng mga kahoy, sa tabi ng ilog nila, isinabit namin doon, yaong dala naming lira.

3. Sa amin ay iniutos ng sa amin ay lumupig, na aliwin namin sila, ng matamis naming tinig, tungkol sa Zion, yaong paksa, niyong nais nilang awit.

4. Ang awit para sa Diyos, pa'no namin aawitin, samantalang kami'y bihag sa lupaing hindi amin?

5. Ayaw ko nang ang lira ko'y hawakan pa at tugtugin, kung ang bunga sa pagtugtog, limutin ang Jerusalem;

6. Di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitin sa isip ko't alaala, ika'y ganap na limutin, kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin.

7. Panginoon, sana'y gunitain, ginawa ng Edomita, nang ang bayang Jerusalem ay malupig at makuha; sumisigaw silang lahat na ang wikang binabadya: “Iguho na nang lubusan, sa lupa ay ibagsak na!”

8. Tandaan mo, Babilonia, ika'y tiyak wawasakin, dahilan sa ubod sama ang ginawa mo sa amin; yaong taong magwawasak, mapalad na ituturing

9. Kung ang inyong mga sanggol kunin niya at durugin!

## Salmo 150

**KABANATA 150**

*1. Purihin angPanginoon, Purihin ang Panginoon! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay!*

*2. Siya ay purihin sa kanyang ginawa, siya ay purihin, sapagkat dakila.*

*3. Purihin sa tugtog ng mga trumpeta, awitan sa saliw ng alpa at lira!*

*4. Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin, mga alpa't plauta, lahat ay tugtugin!*

*5. Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang, sa lakas ng tugtog siya'y papurihan.*

*6. Purihin ang Panginoon! lahat ng nilalang!Purihin ang Panginoon!*
