KABANATA 41
1. Ibinigay ni david ang kantang ito sa konduktor
2. Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, ang Diyos ang kakalinga kung siya nama'y masasadlak, at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad.
3. Babantayan sya ng Panginoon sa mundong ito at bibigyan sya ng buhay.Pupurihin siya ng lahat at hindi siya makokontrol ng kanyang mga kaaway.
4. Sa kasagsagan ng kanyang karamdaman ay aalalayan siya ng Panginoon sa kanyang higaan.
5. Tulad noong ako ay may sakit at nakaratay sa aking higaan, sabi ko “Panginoon paboran mo ako. Kalimutan mo ang aking katawan, ngunit pagalingin mo ang aking kaluluwa sa mga kasalanan ko sa iyo.
6. Hinihiling ng aking mga kaaway ang pinakamasama sa akin, na nagsasabi, "Kailan siya mamamatay upang makalimutan natin ang kanyang pangalan.
7. Kapag dumadalaw sila sa akin, nagkukunwari silang nangungumusta, pero nag-iipon lang pala sila ng masasabi laban sa akin. Kapag silaʼy lumabas na, ikinakalat nila ito.
8. Tahimik nilang nilalapastangan ang aking pagkatao.
9. Sinasabi nila, “Malala na ang karamdaman niyan, kaya hindi na iyan makakatayo!”
10. Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina, karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos silang naging taksil na kalaban.
11. Ngunit kayo Panginoon, akoʼy inyong kahabagan. Pagalingin nʼyo ako upang makaganti na ako sa aking mga kaaway.
12. Alam ko na kayoʼy nalulugod sa akin, dahil hindi ako natatalo ng aking mga kaaway.
13. At dahil taos-puso akong nag mamalasakit sa pangangailangan ng mga mahihirap. Sinuportahan mo rin ako at hinayaang mabuhay.
14. Dahil akoy tinulungan mo hanggang ngayon, Ikay aking pinagpala.Purihin ang Panginoon! ang Diyos ng Israel! Purihin siya, ngayon at magpakailanman! Amen! Amen!